31

By

Helper sa Laguna tigok sa suntok

Patay ang isang helper matapos suntukin ng kanyang kapwa helper sa Sta. Rosa, Laguna, Linggo ng madaling araw.

Dead on arrival sa Sta. Rosa Community hospital ang biktimang si Jasper Villegas, 28 anyos, taga-San Antonio, Los Baños, Laguna.

Nakilala naman ang suspek na si Bryan Castañas, tubong Baybay, Leyte.

Batay sa report ng Sta. Rosa police, unang nakasagutan ng biktima ang pinsan ng suspek na si Dennis Castañas sa kanilang tinutuluyang quarters sa Olympia Subdivision, Brgy., Labas, Sta. Rosa City dakong alas-1:30 ng madaling araw.

Natakot umano ang pinsan sa biktima kaya nagsumbong at sinundo nito ang suspek na noon ay natutulog na sa kanyang bahay.

Pagbalik ng dalawa sa lugar, agad sinuntok ng suspek ang biktima na tinamaan sa kanang dibdib.

Walang malay na bumulagta ang biktima at hindi na natauhan hanggang sa isugod sa ospital.

Inaresto naman ng mga pulis ang magpinsan na ngayon ay nahaharap sa kasong homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?