41

By

Heart sa mga gustong magka-pet: Mag-adopt huwag bumili

Hinikayat ni actress Heart Evangelista ang mga gustong magkaroon ng aso o iba pang alagang hayop na ikonsidera ang pag-aampon kaysa bumili.

“Well, I just want siguro to prove na di porke’t nasa kalye yung aso parang wala na siyang lugar sa mundo,” sabi ni Heart sa interview sa GMA.

Isa sa mga alaga ni Heart ay isang “aspin” o asong Pinoy na pinangalanan niyang Panda.

Nauna nang sinabi ni Heart na magtatayo siya ng animal shelter sa Sorsogon.

“This is step one and I am already brimming with excitement for this special project and I can’t wait to finally turn this dream into reality! Doing this one step at a time until we get there,” sabi pa ng 34-anyos na misis ni Governor-elect Chiz Escudero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?