56

By

Hayes, Gilas Women’s asinta ang SEAG gold

Seryoso ang Gilas Pilipinas women’s squad na masungkit ang pinakaunang gold medal sa 30th Southeast Asian Games 2019 lalo pa’t dito gaganapin sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Kaya naman abot langit ang sinasagawang paghahanda ng koponan sa paggiya ni national coach Patrick Henry Aquino upang maisakatuparan misyon sa SEA Games, tampok ang unang pagsali sa 41st Jones Cup 2019 sa Taiwan sa Hulyo 24-28.

“Ang sabi nga nila, matalo na sa lahat, huwag lang sa basketball,” sabi ni Aquino, na gagamitin ang Taiwan cagefest sa paghanda sa asam na maputol ang pagkauhaw ng bansa sa gold sa women’s basketball sapul pa noong 1981

“Meron na tayong invitation last year from the organizers para makasali, pero umatras tayo dahil sa ‘di nga tayo pinayagang makalaro sa Asian Games. Iyon sana ang preparation natin for Asiad. Ngayon, ihahanda natin ang team para sa SEA Games,” sabi ni Aquino.

Apat na Fil-Am player ang madaragdag sa dating komposisyon ng pambansang koponan. Bubuuin ni NCAA Division 1 star Kelly Hayes mula UCLA at Gabi Bade, anak ni dating PBA player at San Sebastian player Cris Bade, ang apat na Fil-Am ng koponan.

Ang dalawang iba pa ay kasalukuyang nakikiensayo sa Gilas. ‘Di pa dumarating sina Meilyn Bautista at Amecia Hayes na inaasahan paparito pa lang Huwebes.

Ang ibang miyembro ay sina Afril Bernardino, Jack Animam, Janine Pontejos, Clare Castro, Chack Cabinbin, Danica Jose, Gemma Miranda at Camille Castro.

Aalis ang koponan pa-Taipei sa Hulyo 23 upang sumabak sa anim na koponan sa Jones Cup na tampok ang dalawang grupo mula sa host team, ang South Korea, Japan, at New Zealand.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?