26

By

Hawks naisahan ang Pistons, sirang shotclock nasandalan

Sa bukana ng fourth quarter ng 117-100 win ng Atlanta Hawks sa dinayong Detroit Pistons, nag-old school basketball ang magkatunggali dahil nag-black out ang board ng shot clocks.

Tatlong minutong walang shot clock, nakakalito.

Ang nangyari ay isinisigaw ang time remaining sa bawat stoppage ng play, at sinasabi sa public address system ang shot clock patuntong ng 10 seconds. Kina-count down na mula sa 5 seconds.

Bumalik ang shot clocks sa scoreboard sa final 6 minutes, pero blangko pa rin ang boards sa taas ng baskets.

“That was disappointing,” bulalas ni Pistons coach Dwane Casey. “I don’t know what happened, but it disrupts the flow of the game when you are looking around to see the clock.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?