26

Apr 7, 2020 @ 15:29
By

Harry Potter author naramdaman ang COVID

Kinuwento ng “Harry Potter” author na si JK Rowling ang kanyang mga naramdamang sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Rowling, nakaramdam ito ng ilan sa mga sintomas ng naturang virus nitong nakaraang dalawang linggo pero hindi pa siya nakapagpa-test.
Pahayag niya sa kanyang Twitter, “For last 2 weeks I’ve had all symptoms of C19 (tho haven’t been tested).”

Nagbahagi rin siya ng video ng breathing technique na nakatulong sa kanya upang hindi lumala ang kanyang nararamdaman na inirekomenda ng kanyang asawa na isang doktor.

Nagpasalamat din siya sa mga fan at kaibigan na agad nag-abot sa kanya ng mga comforting words and prayers.

“Thank you for your kind and lovely messages! I really am completely recovered and wanted to share a technique that’s recommended by doctors, costs nothing, has no nasty side effects but could help you/your loved ones a lot, as it did me. Stay safe, everyone x” sabi pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?