56

By

Hari pa rin! LeBron numero uno sa jersey sales

Kahit pa hindi nakapasok ang kanyang nilipatang koponan sa playoffs, hindi pa rin maikakaila ang star power ni LA Lakers star LeBron James.

Sa inilabas na statistics ng NBAStore.com, nasa tuktok si James pagdating sa jersey sales.

Ito ay base sa benta mula simula ng regular season.

Kasunod ni James ay si Golden State scorer Stephen Curry, Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo, Boston Celtics guard Kyrie Irving at Philadelphia 76ers center Joel Embiid.

Samantala abante naman ang Lakers sa may pinakamaraming nabentang merchandise, mas marami pa kaysa defending champs Golden State Warriors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?