37

By

Harden bumuhos ng 61 puntos; Rockets pinasabog ang Spurs

Pinangunahan ni James Harden ang Houston Rockets para ilampaso ang San Antonio Spurs 111-105, Biyernes ng gabi (Sabado ng umaga sa Pinas).

Pinantayan ni Harden ang kanyang career high sa trinabahong 61 points kabilang na ang 27 sa first quarter pa lang.

Tatlong sunod na tres ang pinakawalan ni Harden para iabante ang Rockets, 103-100.

Matapos ay sunod-sunod na siyang umiskor para sa Houston sa 13-2 run nito sa huling minuto ng fourth quarter.

Samantala, naghari sa San Antonio si Bryn Forbes sa tinapos na 20 points habang nagdagdag si Derrick White ng 18 at 16 naman kay DeMar DeRozan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?