147

By

Hango sa niyog, gas cooker? Netizens pinagpiyestahan ang bagong iPhone 11

Tadtad na naman ng mga meme ang social media sa paglabas ng Apple Inc. ng panibagong lineup ng iPhone.

Tinaguriang “most powerful iPhones ever” ng kompanya ang iPhone 11, iPhone 11 Pro, at 11 Pro Max.

Kakaiba ito dahil sa “triple-camera” setup, na siyang patok sa mga netizen dahil kung titingnan, para itong nakanganga/nagulat na mukha.

Ayon pa sa ibang netizen, inspirasyon siguro ng Apple ang gas cooker sa nasabing triple camera.

Meron namang kinumpara ito sa niyog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?