25

Halimaw! 15th triple-double kinubra ni Westbrook

Walang New Orleans Pelicans player na makapigil kay Russell Westbrook, ibinigay sa Oklahoma City Thunder ang panalo, 122-116, nitong Biyernes.

Balik sa dating triple-double threat ang one-time NBA MVP, kinamada ang 23 puntos, 17 rebounds at 16 assists para sa ika-15th na triple-double ngayong season.

Nakatuwang niya ang kahihirang lang bilang Western All-Star starter na si Paul George, may 23 puntos din kasahog ang 11 rebounds, maging ang big man na si Steven Adams ay nakatungtong din sa double-double performance na may 20 markers at 13 boards.

Hindi masyadong nahirapan ang Thunder lalo’t wala ang star player ng Pelicans na si Anthony Davis dahil sa calf strain.

Nanguna para sa New Orleans si Jrue Holiday na may 22 points, at Darius Miller na may 21 naman. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?