44
Half-Pinay teenager wagi sa French Open
By

Half-Pinay teenager wagi sa French Open

Nanguna ang isang 16-anyos na Fil-Ecuadorian para sungkitin ang kampeonato sa French Open girl’s single title.

Dinomina ni Leylah Annie Fernandez si Emma Navarro mula USA, hindi pinalusot ni isang set, 6-3, 6-2, para makuha ang titulo sa Roland Garros.

Sa French Open stint, anim ang kanyang nakalaban, bawat isa ay hindi nakaiskor ng set kontra sa kanya.

Siya rin ang kauna-unahang Canadian na nagwagi ng Grand Slam juniors title buhat noong 2016, at babae namang nagwagi noong 2012.

“She always wanted to win the French Open. The biggest difference this year from last year is her mental capacity to handle the ups and downs, the corrections necessary in her game in the moment. Her resiliency under pressure is to be admired,” ayon sa tatay ni Fernandez.

Nakuha ni Leylah ang kanyang Filipino roots sa kanyang ina, na ang mga magulang ay Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?