628
Gutom na! Puregold sa Las Piñas, planong lusubin ng mga pedicab driver
Mar 19, 2020 @ 17:40
By

Gutom na! Puregold sa Las Piñas, planong lusubin ng mga pedicab driver

Kumalat sa social media ang post ng isang netizen na nakatira sa squatter’s area tungkol sa umano’y binabalak na panloloob ng mga kalugar niya sa isang sangay ng Puregold sa Las Piñas.

Anang netizen na si u/[deleted] sa Reddit, nakatira siya sa squatter’s area sa Las Piñas.

Hindi aniya tulad sa Pasig, inutil umano ang pamahalaan nila at wala silang rasyon ng pagkain o kahit ano pang pangangailangan nila.

May kumalat daw na tsismis sa lugar nila na nagbabalak sugurin at nakawan ang Puregold na malapit sa kanila.

Karamihan daw ng nagpaplano ay mga pedicab driver na nawalan ng trabaho dahil sa pinatupad na transportation ban sa enhanced community quarantine.

“I’m tempted to warn the security guard at Puregold regarding this rumor. But at the same time, I wish makuha ng mga taong wala nang makain ang mga kailangan nila sa Puregold. Sana tumakbo na lang palayo yung security guard at iba pang staff ng Puregold kapag sinugod sila. Sana walang masaktan on both sides kapag natuloy yung looting. Kaso malabong mangyari yun. Baka nga may mamatay pa. (By the way, hindi ko concern if malugi yung Puregold.),” kuwento ni u/[deleted].

Alam daw niyang mali ang magnakaw kaso ay naaawa siya sa mga ito dahil walang makain.

“I know it’s stealing. Mali ang magnakaw. Pero naaawa rin ako kasi wala na silang makain. Wala rin naman akong maitulong sa kanila kasi mahirap lang din ako. If you’re on my situation, what will you do?

Edit: I really think this is legit kasi bigla kong naalala na may mga tao sa lugar namin na sumisigaw ng “Masama ang magutom! Hindi masama ang magnakaw!” in broad daylight,” dagdag pa niya.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?