69
Gutang, Gray sasandalan ng Go For Gold sa D-League
By ,

Gutang, Gray sasandalan ng Go For Gold sa D-League

Mas magiging mahirap para sa Go for Gold-CSB Scratchers na muling umangat sa panibagong season ng PBA D-League.

Matatandaan na nasungkit ng Scratchers ang titulo sa Foundation Cup noong nakaraang taon nang pabagsakin ang Che’Lu Bar and Grill pero mas magiging mabigat ito ngayon.

Sa huling season ng D-League, anim na tropa lamang ang naglaban-laban para sa titulo at ngayong 2019 season, 20 koponan ang magbabanggaan para sa korona ng Aspirant Cup.

“It will be a tough climb for us to win the championship again,” pag-amin ni Tiu.

Bukod sa dami ng makakaharap nito, malaking problema rin ni Tiu ang paghahanda para rito dahil ilan sa kanyang manlalaro ay injured at umiinda ng karamadaman.

Pero positibo pa rin ito na kakayanin ng kanyang mga bata na sumabay sa ilang koponan at nakasisiguro ito na kaya nilang depensahan ang kanilang titulo.

“The fact that we have a whole team intact, I think malaking bagay yun. We’re looking at this as a stepping stone for the NCAA,” dagdag nito.

Ibabandera ng Scratchers ang isa sa mga player ng College of Saint Benilde na si Justin Gutang kasama rin ang draft na si Jeremiah Gray, na kamakailan lang ay binigay ang serbisyo sa Mighty Sports na hinawakan din ni Tiu.

Magiging isang hamon aniya ito kay Gutang na ngayon ay inaabangan ng lahat at umaasa si Tiu na mas mahasa pa nito ang kanyang kakayahan at talento.

“I know a lot of teams are counting us out and don’t even expect us to be playoff contenders, but we’re gonna do our best,” ani nito.

Unang sasabak ang Scratchers sa unang pagdribol ng season sa Huwebes, Pebrero 14 kontra Ateneo-Cignal bandang 2 pm sa Ynares Sport Arena sa Pasig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?