167

By

Gusto mo ulit sumikat? Mag-rematch tayo! – Pacquiao kay Mayweather

Kinontra ni Manny Pacquiao ang naging patama ni Floyd Mayweather na siya ang dahilan kung bakit umangat ang kasikatan ng ‘Pambansang Kamao’ sa boksing.

Unang nag-post si Mayweather na sana raw ay itigil na ang pagdikit ng kanyang pangalan kay Pacquiao at walang epekto ang pagsamo ng rematch dahil tinalo na niya ito noong una silang magkaharap noong 2015.

“This man’s entire legacy and career has been built off its association with my name and it’s about time you all stop using my brand for clout chasing and clickbait and let that man’s name hold weight of its own. For years, all you heard was that ” Floyd is afraid of Manny Pacquiao”. But what’s funny is, when we finally fought, I won so easily that everyone had to eat their words!” ayon sa post ni Mayweather.

Sumagot naman si Pacquiao sa patama ni Mayweather. Saad niya, si Mayweather ang gumamit ng kanyang pangalan sa post at siya rin naman daw ang nanonood ng kanyang mga laban.

Aniya pa, kung gustong mapag-usapan ni Mayweather ay isa lang ang solusyon: ang Mayweather vs Pacquiao II.

“You come to my fight and then use my name in a post but I’m the one that is trying to stay relevant? if you want to be relevant again… #MayPac2,” saad ng eight-time world division champ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?