443
Gunman na napatay sa shootout sa Quezon, anak ng alkalde
By

Gunman na napatay sa shootout sa Quezon, anak ng alkalde

Patay ang riding in tandem sa nangyaring shootout sa Tayabas, Quezon noong Huwebes.

Lumabas sa ginawang imbestigasyon ng pulisya na isa sa mga gunman ay anak umano ng alkalde ng Sariaya.

Kinilala itong si Christian Gayeta, 21, anak ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta.

Ayon kay Sariaya Vice Mayor Alex Tolentino sa report ng Inquirer, kinumpirma nito na anak nga ng alkalde si Christian na nagsisimula pa lang umano sa kanyang mga negosyo gaya ng pagle-lechon at pagbebenta ng mga alahas.

Sa inisyal na ulat, pinaputukan umano ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang attendant ng PTT gasoline station na nasa Barangay Baguio ng alas-kuwatro ng madaling-araw noong Marso 14 pero nagmintis umano ang mga suspek.

Isinuplong ng isa sa mga tauhan ng gasolinahan ang insidente sa mga pulis na agad rumesponde.

Nagkaroon umano ng shootout sa pagitan ng mga pulis at mga suspek na sina Gayeta at Christopher Manalo sa Barangay Calumpang na nagresulta sa pagkakapatay sa tandem.

Narekober sa mga nasawi ang isang kalibre .45 at kalibre .22 na mga baril.

Nagsasagawa na umano ng imbestigasyon ang mga pulis sa insidente at sa dalawang permit to carry outside of residence na nakuha sa dalawang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?