479

By

Gumaya kay Catriona: Pia nag-no makeup selfie din!

Matapos mag-picture ni Miss Universe 2018 Catriona Gray nang walang makeup, sumunod naman agad ang 2015 beauty titlist na si Pia Wurtzbach,

Sa kanyang Instagram post, pinakita ni Pia ang kanyang no makeup look sa pagkasa nito sa #AsSheIs challenge ni Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters.

“Everyday, we all struggle to be comfortable with our imperfections. But today, I’m taking this picture to say hello to ME. Just me. No makeup. No glam team. No styling. And, I’m happy with what I see,” ayon kay Pia.

Marami naman ang umidolo kay Pia sa kanyang matapang na pagpapakita ng mukhang walang makeup, isa na rito ang pambato ngayon ng Pilipinas sa 2019 Miss U na si Gazini Ganados.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?