92

By

Gumabao pumalo ng 2 special awards

Ipinagmalaki ngayon ng buong bansa si Creamline Cool Smasher at volleyball star Michele Gumabao nang makasungkit ito ng dalawang special awards at pagpasok nito sa Top 15 ng 2018 Miss Globe sa Tirana, Albania, Lunes ng umaga sa Pilipinas.

Iniuwi ng opposite hitter na si Gumabao ang special awards na Miss Social Media at Dream Girls at tumapos ito sa Top 15.

Nakakuha ng 30.22 percent sa online votes si Gumabao para masikwat ang Miss Social Media at tinalo nito ang Miss Colombia, Albania, Portugal at Ukraine.

Nakasama ni Gumabao sa Top 15 ng pageant ang mga kinatawan ng Canada, Russia, Australia, Turkey, Brazil, Vietnam, China, Myanmar, Italy, Estonia, France, Albania, Portugal at Romania.

Si Gumabao, na naging bahagi ng national team na sumabak sa Asian Senior Women’s Volleyball Championship sa China noong 2015, ay unang beses na kinatawan ang Pilipinas sa beauty pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?