39

By

Gumabao, Creamline pakitang-gilas agad vs Air Force

Pasiklab agad si Michele Gumabao at Creamline nang igupo ang Philippine Air Force, 25-23, 25-20, 25-15, sa opening Linggo ng hapon ng 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 eliminations sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Sa pag-angkla ni Gumabao na dumila ng 14 points, ‘di nagpatinag ang defending champions Cool Smashers para sa masaklap na pagsalubong nila sa nagbabalik-ligang Lady Jet Spikers.

Nagsiagapayan pa kay Gumabao sina Alyssa Valdez at Risa Sato na mga ngumuya ng 13 at 11 markers para sa magarbong pagtalop ng Cool Smashers sa title-defense bid sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.
Pero pa kuntento ang koponan dahil sa kalagayan.

“Overall, we’re really adjusting and coping sa system na dinadala sa amin ni coach Tai (Anusorn Bundit). We have a lot of things to improve on going to the next games pa,”komento ni team captain Valdez.

Napunta lang sa kawalan ang pagsusumikap nina middle blocker Dell Palomata na pumuntos ng 14 points at veteran spiker May Ann Pantino na naka-10.
Susunod sa Creamline ang Motolite sa Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?