97

By ,

Guino-o, Malabanan, FEU niresbakan ang Peyups

Nakabawi ang Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws sa University of the Philippines (UP) Lady Maroons sa pamamagitan ng 25-21, 19-25, 25-23, 25-22 panalo nitong Sabado sa second game ng UAAP Season 81 women’s volleyball sa Smart Araneta Coliseum.

Balik sa winning-form ang last season runnner-up matapos ang three-set defeat nito kontra sa number one ngayon na Ateneo Lady Eagles noong Miyerkoles.

Kinarga ng beteranong si Heather Guino-o ang mga taga-Morayta nang pumalo ito ng 22 puntos, sa likod ng 18 kills at apat na aces habang bumakas naman si Jerilli Malabanan ng 17 puntos.

“Pinaghirapan naman talaga nila ‘yan kasi sabi ko nga sa kanila ‘natalo man tayo sa Ateneo pero don’t give up’ kaya ang motto namin ‘matapang ako kung lalaban ako kaya ko’. Yun ang ine-emphasize ko sa mga player ko after ng talo namin,” wika ni FEU coach George Pascua.

Akyat sa fourth spot ang FEU tangan ang 7-4 na baraha habang dulas naman ang UP 6-5 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?