326

Dec 20, 2019 @ 22:22
By

Guinness World Records ng United Kingdom naagaw ng ‘Pinas

Nahablot ng Pilipinas ang Guinness World Records ng Calne, Wiltshire, England, United Kingdom.

Napuno ng fireworks ang kalangitan at sinabayan ng hiyawan at palakpakan nang ideklara ng adjudicator ng Guinness na si Swapnil Dangarikar, na nabasag ng bansa ang record ng UK para sa pinakamaraming bilang na lumahok sa live Nativity scene na ginanap sa San Jose del Monte, Bulacan.

Umabot kasi sa 2,101 katao ang lumahok sa live Nativity scene na isinagawa sa Altraza Spine Road, Barangay Tungkong Mangga, San Jose del Monte noong Disyembre 20 ng alas-sais ng gabi.

Nahigitan nito ang record ng Calne Town Council and Bible Society sa UK noong Disyembre 3, 2016 na 1,254 participants.

Ang live nativity scene o manger scene ay tradisyon ng mga Kristiyano kung saan isinasadula ang pagsilang kay Jesus Christ na partikular na ginagawa sa panahon ng Kapaskuhan.

Ani San Jose del Monte Rep. Florida Robes sa PNA report, anim na buwan silang naghanda para sa event.

Nakakapagod aniya ang naging proseso dahil istrikto sa requirements  ang Guinness Book of World Records.

Pero dahil sa determinasyon ng kaniyang mga kababayan ay nagawa nilang makapagtakda ng bagong record at sobrang saya nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?