Naghain ang kampo ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos ng motion for leave of court para maiapela ang hatol na guilty ng Sandiganbayan sa kanyang mga kasong katiwalian.
Nakatakdang dinggin ng anti-graft court 5th Division ang mosyon sa darating na Biyernes.
Kakatawanin si Marcos ng kanyang abogadong si dating Justice Manuel Lazaro na papalit kay Atty. Robert Sison na kumatawan sa dating unang ginang sa paglilitis.
Nauna nang sinabi ni Marcos na iaapela nito ang kanyang conviction sa pitong bilang ng kasong graft.
Nag-ugat ang kaso sa paggamit umano ni Imelda ng kaniyang posisyon para lumikha ng mga foundation na po-protekta sa kanilang mga Swiss bank account noong panahon ng pamumuno ng kaniyang asawang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?