85

By

Guiao sa mga player: Wala kayong utak!

Naiwan ng hanggang 47-21 ang NLEX tapos ng first 24 minutes ng laro noong Linggo, nakamata pa rin sa 51-29 deficit sa Magnolia.

Pagpasok ng dugout sa Ynares Center, binalasa ni coach Yeng Guiao ang kanyang Road Warriors.

“Galit na galit nga si coach, eh,” pagbubunyag ni Jericho Cruz. “Sabi nga sa amin, wala na kaming mga utak.”

Binanggit din aniya ni Guiao sa kanyang coaching staff na siguro ay mas mabuting matalo sila para magkaroon ng wake-up call.

Isa sa first half si Manny Harris na scoreless sa opening quarter at binangko na ni Guiao sa second.

Nagising sa pagalit ng coach ang Road Warriors, pagbalik mula sa break ay nagsimulang umahon.

Nagpakita ng pinakamatinding determinasyon si Cruz.

Sa dying seconds, mintis ang free throw ni Kiefer Ravena pero mula sa labas ng arc ay sumagasa si Cruz para hablutin ang rebound mula sa missed tip ni Poy Erram. Sakto, pagkalawit ng bola ay binitawan din agad ni Cruz at pumasok sa net ang bola eksaktong 1 second na lang sa orasan.

Kumapit ang NLEX sa basket na ‘yun para itakas ang 86-85 panalo kontra Hotshots.

“As players, we didn’t wanna give up, we played our hearts out,” giit ni Cruz, nagsumite ng 13 points, 5 rebounds at 3 assists. “Sabi nga ni coach, special group ‘tong grupo namin ngayon.”

Kumayod pa rin si Harris ng 22 points, 9 rebounds at 10 assists. May 14 points pa si JR Quinahan.

Tapos ng laro na nagtulak sa NLEX sa 8-1 card at solo sa tuktok ng PBA Governors Cup, kalmado na si Guiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?