317
Guiao napatalsik pero NLEX umarangkada vs Aces
By

Guiao napatalsik pero NLEX umarangkada vs Aces

Pinutol ng NLEX ang two-game losing skid nito matapos panisin ang Alaska, 91-70, nitong Miyerkoles ng gabi sa 2019 PBA Philippine Cup.

Ito’y sa kabila na napatalsik sa laro si coach Yeng Guiao, may 5:19 nalalabi sa second quarter. Humalili sa kanya si NLEX deputy Jojo Lastimosa.

Dalawang technical fouls ang nakuha ni Guiao sa loob lang ng tatlong segundo at napatalsik sa laro sa first half pa lang matapos magreklamo sa mga referee.

Hinalimbawa niya ang maling tawag umano ng mga referee gaya kay Juami Tiongson nang tamaan ang mukha nito ni Jake Pascual ng Alaska sa first half.

Napatawan si Pascual ng unsportsmanlike foul pero hindi ito sapat kay Guiao dahil dapat umano ay flagrant foul penalty 2 ito na automatic na ejection.

“I think those things should not be taken for granted. Those things should be taken up during their deliberations. It seems like they’re loosing up on the officiating, and these are the crucial stages,” aniya sa Spin.ph.

Nagpakawala ng back-to-back triples si JR Quiñahan sa pagragasa ng Road Warriors sa second half.

Tumapos si Quiñahan ng 14 points, seven rebounds, four assists at three steals.

Ikatlong panalo na ito ng NLEX na may limang talo.

Sa kabila ng pananaig sa Alaska, kinakailangang walisin ng Road Warriors ang tatlong natitira nilang kalaban para makapasok sa playoffs.

Bagsak naman sa 3-4 ang kartada ng Aces na pinangunahan ng 23 points at 10 rebounds ni Jeron Teng.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?