268

By ,

Guiao minura si McCullough?

Sa unang pagsalang ni Chris McCullough bilang bagong import ng San Miguel Beermen, gumawa agad ito ng ingay.

Bukod sa pagrehistro ng 47 points, para tulungan ang tropa na maalpasan ang NLEX Road Warriors 109-105 sa 2019 PBA Commissioner’s Cup, isang akusasyon ang nilabas nito.

Nag-post ng isang article mula sa isang online sports website si McCullough kung saan makikita ang larawan ni NLEX coach Yeng Guiao at may caption itong “Coach called me a B***h during the game.”

Kasabay ng pag-tweet nito, naglipana naman ang mga komento ng mga netizen na pinagtanggol ang Team Pilipinas head coach sabay sabi na makulay lang talaga magsalita ito.

Ayon naman sa balita ng Spin.ph, humanga pa nga ang veteran-mentor sa pinakitang laro nito noong Biyernes ng gabi at tamang-tama lang siya sa programa ng tropa.

“San Miguel made a good decision to replace their import with somebody who can space the floor and give June Mar Fajardo some more room to operate,” ani Guiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?