53
guevarra
By

Guevarra OIC habang nasa Bangkok si Duterte

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte muli si Justice Secretary Meynardo Guevarra bilang Officer-in-Charge habang wala ito sa bansa.

Nakatakdang bumiyahe ngayong hapon ang Pangulo sa Bangkok, Thailand para dumalo sa 34th Association of South East Asian Nation (ASEAN) summit.

Batay sa Special Order No. 631 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, pangangasiwaan ng DOJ Secretary ang pagpapatakbo sa bansa simula June 21 hanggang June 23.

Si Guevarra ang magpapatakbo sa operasyon ng Executive Department sa loob ng tatlong araw.

Nakapaloob din sa Special Order No. 631 ang kautusan sa lahat ng departamento at ahensiyang nasa Ehekutibo na makipagtulungan kay Guevarra para sa maayos na takbo ng gobyerno habang ito ang OIC ng bansa.

Matatandaang itinalaga rin si Guevarra bilang caretaker ng bansa nang bumiyahe sa Japan ang Pangulo noong nakalipas na buwan. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?