29
chris1
By

Guevarra at Flores nanakawan si Newsome

Sina Rey Guevarra at Lervin Flores ang inaasahang magbibigay ng matinding laban kay reigning king Chris Newsome ng Meralco sa Slam Dunk contest ng PBA All-Star week.

Bago nagkampeon si Newsome noong nakaraang taon, si Guevarra ng Phoenix ang three-time ruler ng side event mula 2014 hanggang 2016.

Ang rookie ng GlobalPort mula Arellano U na si Flores naman ang 2017 NCAA slam dunk champion, tinalo sina Renato Ular at Justine Gutang.

Pumangatlo lang sa Lucena, Quezon si Guevarra noong isang taon, nagduelo sa titulo sina Newsome at James Forrester.

Susubok din sa korona ng side event ng midseason classic na hatid ng Phoenix Fuel with Pulse Technology sina Matt Ganuelas Rosser ng San Miguel, Marion Magat ng Alaska, Jackson Corpuz ng Columbian Dyip at Renz Palma ng Blackwater.

Siklab ang All-Star side events sa Batangas City sa May 25, second leg ng annual spectacle. Magtatagpo doon ang PBA Luzon selection at Philippine national team.

Ang iba pang multiple winners ng slam dunk competition ay sina KG Canaleta ng Meralco (five), Kelly Williams ng TNT (two) at PBA great Vergel Meneses (two) na inaugural winner noong 1992 habang naglalaro sa Presto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?