127
suicide-
By

Guest nag-suicide! Talk show sa UK sinuspinde

Kinansela ang filming at tinanggal lahat ng episodes sa Internet ng isang sikat na British talk show matapos ang napaulat na pagpapakamatay ng guest nito.

Hindi umere sa Broadcaster ITV ang popular daytime show na “The Jeremy Kyle Show” nang mamatay ang 63-anyos na si Steve Dymond, isang linggo matapos niyang lumabas sa isang episode ng show.

Sumalto sa lie-detector test si Dymond sa naturang show para kumbinsihin ang fiancee na hindi niya pinagtaksilan ito na nauwi sa hiwalayan.

Matagal nang tinutuligsa ang naturang show dahil sa confrontational style nito na nauuwi sa karahasan.

Lalo itong naging tampulan ng kritisismo nang magbigti ang dalawang contestants nito sa hit show na “Love Island”.

Natagpuang nakabigti sa magkahiwalay na insidente sina Sophie Gradon at Mike Thalassitis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?