196

Grupong Bayan binara ng Palasyo sa isyu ni Sister Fox

Tinabla ng Malacañang ang pahayag ng grupong Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na ang pagpapa-deport sa Australian missionary na si Sister Patricia Fox ang pinakamalaking ‘injustice’ sa Duterte administration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang basehan ang bintang ng grupo at propaganda ito para magmukhang masama ang gobyerno.

Ayon sa kalihim, binigyan ng due process si Fox at ginamit nito ang lahat ng ligal na remedyo hanggang sa mapaso ang kanyang visa.

Wala aniyang injustice o pagpapatahimik kay Fox dahil malaya itong nakakapagpahayag ng kanyang saloobin patunay ang paglilibot nito at pagsasalita sa mga kilos protesta nitong ilang mga araw hanggang sa kanyang pag-alis ngayong Sabado ng gabi.

“To say that Sister Fox is compelled to leave under strong protest is, therefore misleading as it is erroneous. Neither there is in justice nor silencing or threatening anyone from exercising the freedom of expression,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi ipinagbabawal ang freedom of expression sa Pilipinas at patuloy na natatamasa ito ng mga Pilipino ng kahit na sinong indibidwal. (Aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?