1,113

By

Gretchen nag-abroad kasama ang ‘boyfriend’

Fly muna pa-abroad si Gretchen Barretto. Pero hindi pa rin siya magpapahinga sa pagpu-post, repost, ng mga reaksiyon ng mga fan, sa kanyang Instagram story.

“Why hello I’m flying off.

“With my boyfriend.”

Si Piolo Pascual nga ang tinuturing niyang boyfriend, bilang pang-asar pa rin sa sisteret niyang si Marjorie Barretto. At kasama pa nila sa photo ang dating artista na si Ana Abiera, na matagal na ngang kaibigan ni La Greta.

Feeling ko lang ay sa Macau ang punta nila, base naman sa mga IG story ng kaibigan ni Gretchen na si Mimi Que.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?