14

Mar 24, 2020 @ 17:27
By

Gretchen Ho pasalamat sa mga fastfood worker

Nagbigay-pugay ang dating volleybelle star na si Gretchen Ho sa mga empleyado ng mga fastfood na patuloy ang pagtatrabaho sa kabila ng pinapairal na lockdown sa Metro Manila.

Sa Instagram post ni Ho, nagpasalamat ito sa mga worker ng resto ng um-order ito sa isang branch ng McDonald’s.

“They pass on the change, food via trays. No contact,” saad ni Ho. “Everybody has a mask too.”

“I know this is a risk for you guys, at round-the-clock po ang serbisyo ninyo,” aniya pa. “Salamat sa pagpapagaan ng buhay ng lahat.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?