180

Mar 20, 2020 @ 22:38
By

Gretchen Ho bumangga sa pader

Kung dati rati ay mga manlalaro ang nakakasagupa, ngayon ay pader na ang kanyang kabangga.

Ito ang peg ngayon ni volleybelle/TV host Gretchen Ho habang naka-home quarantine dahil na rin sa patuloy na pagkalat ng coronavirus o Covid 19.

Sa Instagram story ni 29-anyos Ho (@gretchenho), makikitang idinaan na nito ang tila pagka-bored sa pamamagitan ng pagpapatalbog ng bola sa loob ng kanilang bahay at pag-i-spike sa kanilang pader.

Bago pa pumasok sa buhay showbiz si Gretchen ay nakilala muna ito sa UAAP volleyball nang makitaan ng husay sa paglalaro kung saan inampon ito ng koponang Ateneo Lady Eagles at Philippine SuperLiga para sa koponang Petron Blaze Spikers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?