1,074

By

Gretchen Barretto pinagkatuwaan ang ‘death threat’ ni Kris

Muling kinanti ni Gretchen Barretto si Kris Aquino sa Instagram post nito noong Biyernes.

Sa kanyang Instagram video post, pinagkatuwaang gayahin ni Gretchen ang excerpt o bahagi ng death threat umano ni Kris sa dati nitong project manager na si Nicko Falcis.

Tatlong video ang ibinahagi ni Gretchen habang kasama sa World PitMasters Cup 9-Cock International Derby ang kanyang mga kaibigan.

“Yesterday’s 2019 world pitmasters cup 9-cock international Derby, goofing around swipe left◀,” sabi ni Gretchen sa caption.

Sa ikatlong video mapapanood si Greta habang nakikipagkulitan sa mga kaibigan niya.

Maririnig dito ang pagbigkas niya ng, “Don’t step into the country. You will be dead. Papapatay ka ng aking pamilya.”

Ginagaya ni Gretchen ang umano’y pagbabanta ni Kris kay Nicko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?