67

By

Gretchen Barretto nag bunyi sa pagbasura sa kaso ni Falcis

Lantarang nag bunyi si Gretchen Barretto sa naging pag basura ng Makati Prosecutor’s Office sa kasong isinampa ni Kris Aquino kay Nicko Falcis.

Nag post sa Instagram si Nicko Falcis na masaya ito sa naganap na pag dismiss sa kaniyang kaso.

Nagkomento si Greta sa naturang post, “Congratulations nix. God is good & just celebrating now.”

Kinagabihan ng Pebrero 22 ay ibinahagi naman ni Greta sa kaniyang Instagram stories ang dalawang screenshots ng mga balita tungkol sa pagbasura sa kaso.

Matatandaang nagsampa ng 44 counts of qualified theft sa iba’t ibang lungsod si Kris laban kay Falcis simula noong Oktubre 12.

Inilabas na ng Makati Prosecutor’s Office ang desisyon nito noong Pebrero 18 at hinatulang “Not Guilty” si Nicko Falcis.

Samantala hinihintay pa ang desisyon ng anim pang prosecutor’s office bago tuluyang malinis ang pangalan ni Falcis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?