28

By

Gregzilla kumumpleto sa Gilas

Sisimulan ng Gilas Pilipinas men’s squad ang hangad na masungkit ang ikalimang sunod na gintong medalya pati na sa pangkalahatang ika-18, Miyerkoles ng hapon sa pagsagupa sa Singapore sa basketball competition ng 30th edisyon ng Southeast Asian Games sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Humabol sa 12-man lineup si Greg Slaughter bilang kapalit ni Roger Pogoy, pagkumpirma ni team manager Gabby Cui.

Ang Gilas Men ay binubuo nina Japeth Aguilar (Barangay Ginebra), June Mar Fajardo (San Miguel Beer), Marcio Lassiter (San Miguel Beer), Vic Manuel (Alaska), Stanley Pringle (Barangay Ginebra), Kiefer Ravena (NLEX), Jeth Troy Rosario (TNT), Chris Ross (San Miguel Beer), LA Tenorio (Barangay Ginebra), Christian Standhardinger (NorthPort) at Matthew Wright (Phoenix).

Napunta sa Men’s Group A ang Vietnam, Myanmar, Singapore at host at nagtatanggol na kampeong Pilipinas habang nasa Group B naman ang Thailand, Indonesia, Malaysia at Cambodia.

Napagwagian ng Pilipinas ang kabuuang 17 sa 19 na edisyon sa men’s events sapul nang isali ang basketball sa torneo maliban noong 1979 at 1989 na kapwa napanalunan ng Malaysia.

Ang Malaysians ay nagwagi naman sa loob ng 14 sa kabuuang 18 women’s events kabilang ang isinagawa noong 2017 sa Kuala Lumpur.

Hindi pa naman nagwawagi ang Gilas women maski isang ginto sapul nang lumahok sa torneo at tanging pilak lamang ang pinakamataas nitong napanalunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?