44

Jan 25, 2020 @ 10:51
By

Gray inilusot ang Alab vs Hong Kong

Isinalba ni Fil-Am Jeremiah Gray ang San Miguel Alab Pilipinas kontra Hong Kong Eastern, 77-76, sa 10th ASEAN Basketball League (ABL) 2019-2020 eliminations, Huwebes ng gabi na ginanap sa Southern Stadium, HK.

Nagpaka-super man ang 6-foot-4 guard na tumapos na may 10 points, pero ang krusyal na butata niya sa pampanalo sanang three-point shot ni Jon Siu ang nagpahaba sa balandra ng dating Crown Colony sa apat.

Pero si Nick King ang pabida opensa ng Alab sa 24 points sahog ang 7 rebounds habang ang bagong dating na si Prince Williams ay nagbakas ng 14 markers mula sa nilistang 3-of-4 shooting sa field kasama ang 6 boards at 4 assists.

Sa pagbangon ng Pinoy quintet mula pagkatambak sa Singapore Slingers, umangat ang kartada nito sa 6-3.

Hindi naman naging epektibo ang pinasabog na game-high 33 points, 11 rebounds at 8 dimes ni Brandis-Raley Ross sa HK na nabuwal sa 3-5 win-loss record.

Ang iskor:

SAN MIGUEL ALAB PILIPINAS 77 – King 24, Williams 14, Deguara 12, Gray 11, Vigil 5, Heading 3, Brickman 2, Domingo 2, Rosser 2, Caracut 0.

HONG KONG EASTERN 76 – Raley-Ross 33, Costner 19, Holyfield 13, Siu 8, Guinchard 2, Ng 1, Xu 0.

Quarters: 23-14, 45-30, 63-60, 77-76.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?