207

By

‘Granny’ ni Sarah super wagi sa takilya

Parami nang parami, padagdag nang padagdag, ang mga sinehan ng pelikula ni Sarah Geronimo, ang Miss Granny, na prodyus ng Viva Films at N2 Productions. Imagine, nagsimula sa 210 na sinehan, at marami pa ang nagri-request, dahil pakiramdam nila ay kulang pa ang mga ito, sa rami ng gustong manood.

Well, kung hindi magbabago ang trend, malamang na tanghaling box-office queen si Sarah dahil sa movie na ito nila nina James Reid at Xian Lim.

Sa Market Market nga pala, makikita ang mga kabataan, na puro mga fan ni Sarah ang nagtiyaga talagang pumila para mapanood ang movie ng idolo nila, na isa ngang Pinoy adaptation ng South Korean blockbuster hit.

Siyanga pala, sobrang effective ng Pop Royalty bilang si Audrey, batang Nova Villa (Fely), isang pensyonadang 70 years old na babalik sa pagiging 20.

Sabi nga ng mga manunulat na nakapanood na ng movie, “The best movie of Sarah Geronimo.”

Multi-dimensional nga kasi ang karakter ng singer-actress, na hindi na lang puro pa-tweetums o pakilig na may ka-loveteam. Lumabas na nga siya sa kahon na nakasanayan na ginagawa niya.

Ginaya talaga niya ang mga kilos at pananamit ni Nova, pagiging ina at lola, at wala talaga siyang pakialam sa hitsura niya habang sumasayaw, kumakanta at nagpapakwela kasama sina James at Xian.

Kumpletos recados ang Miss Granny dahil may mga eksena ring magpapaiyak sa mga manonood. Binigyan nga ito ng ‘B’ grade ng CEB at PG ng MTRCB kaya pwedeng-pwede itong panoorin ng buong pamilya.

Ang Miss Granny ay dinirek ni Bb. Joyce Bernal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?