60

By

#Grammys2020: Alicia Keys, Boyz II Men, Lizzo inalala si Kobe

Sa ika-62 Annual Grammy Awards, ‘di nakalimot na magbigay-pugay ang Hollywood musicians sa pumanaw na NBA legend Kobe Bryant.

Sinabi ni Lizzo sa kanyang opening performance: “Tonight is for Kobe.”

Sinimulan naman ni Grammys host Alicia Keys ang pagtitipon sa Staples Center, sa Los Angeles, California, sa isang tribute na mensahe para kay Black Mamba.

“We’re all feeling crazy sadness right now. Earlier today, Los Angeles, America and the whole wide world lost a hero. We’re literally standing here heartbroken in the house that Kobe Bryant built,” wika ni Keys.

Naglaro sa loob ng dalawang dekada si Bryant para sa Los Angeles Lakers, at nag-uwi ng limang championships sa lungsod.

Sinamahan naman siya ng bandang Boyz II Men sa a capella version ng kantang “It’s So Hard to Say Goodbye to Yesterday.”

Pumanaw si Kobe, 41, kasama ang kanyang anak na si Gigi, 13, at pitong iba pa sa helicopter crash sa Calabasas, California, Linggo sa Amerika, Enero 26.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?