121

By

Grado ni Bato sa SONA ni Duterte, 98%

Binigyan ni neophyte Senator Ronald “Bato” dela Rosa ng grading 98% ang ikaapat na State of the National Address (SONA).

Ayon kay Bato, gusto niya sanang gawing 100% ang grado ni Pangulong Duterte subalit 98% na lang dahil lalabas umanong sipsip siya kung perpekto ang marka niya rito.

“Rating niya, 98%, dalawa ang kulang. Kasi kung gawin ko masyadong akong sipsip kaya gawing 98% muna,” pahayag ni Dela Rosa nang tanuning kung ano ang kanyang grado sa SONA ni Duterte.

Samantala, natuwa naman si Senadora Grace Poe sa ilang mga nabanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA partikular ang pagtatayo ng Department of OFW, Department of Disaster Resilience at National Land Use Act.

“Masaya rin ako na binanggit ni Pangulong Duterte na tumulong ang LGUs, mayor at governor na ma-clear ang kalsada para mabawasan ang trapik,” sabi ni Poe sa panayam.

Tungkol naman sa death penalty, sinabi ni Poe na ang mahihirap lang ang maaapektuha nang husto kapag naisabatas ito.

“Sa Senate malaki ang pag-asa na makalusot ‘yun pero ang posisyon ko, ang mga mahihirap ang apektado sigurado,” ani Poe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?