628

By

Grade 7 student nag bigti sa traffic light matapos sumailalim sa hazing

Sharing is caring!

Ikinagimbal ng mga motorista sa Koronadal City ang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang Grade 7 student sa mismong traffic light sa sentro ng naturang lungsod, Biyernes pasado alas-otso ng gabi.

Isang 19-anyos na biktima ang inakala ng mga tao sa pinangyarihan ng insidente na may kukuhain lamang sa mataas na bahagi ng traffic light.

Laking gulat ng mga ito nang maglagay ang biktima ng tali sa poste ng traffic light at ikabit sa sariling leeg.

Agad na rumesponde ang mga pulis at rescue unit ng lungsod ngunit dead-on-arrival ang kinahantungan ng biktima.

Ayon sa mga pulis, puno ng pasa ang katawan ng naturang biktima na napag-alamang sumailalim sa hazing ng isang fraternity bago naisipang magpakamatay.

Patuloy pa rin ang imbestgasyon ng Philippine National Police sa Koronadal sa naturang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?