56

By

Grace Poe sinamahan ng inang si Susan Roces sa COC filing

Muling tatakbo bilang independent candidate si Senadora Grace Poe para sa 2019 midterm elections.

Sa kanyang paghahain ng certificate of candidacy sa Comelec ngayong araw ng Lunes, akay niya ang kanyang ina na ang aktres na si Susan Roces.

Para kay Poe, isa sa mga dahilan kung bakit wala muli siyang inaniban na partido ay dahil mas mahalaga aniya ang ‘loyalty’ sa taumbayan kaysa sa mga political party.

“Importante na ang ating loyalty ay hindi sa mga kapartido pero sa mga kababayan na naghalal sa atin sa puwesto,” ani Poe.

Naitanong din kay Poe ang mainit na usapan ngayon ukol sa TRAIN Law, at ito ang kanyang naging tugon: “We supported TRAIN law because the President said the gov’t needed funds. They said there will also be mitigating measures para sa pinakamahihirap na kababayan pero ang nagiging problema, nakolekta na nila yung pera pero yung mga pantulong na pantawid hindi pa naibibigay.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?