55

By

Grace Poe bukas maging Senate blue ribbon committee head

Swak si Senadora Grace Poe sa pagka-chairperson ng Senate blue ribbon committee sa 18th Congress.

Matapos itong muling maproklama bilang mambabatas, sinabi ni Poe na nasa kamay ni incumbent committee chairperson Senador Richard Gordon kung ibibigay kay Poe ang pwesto.

“Alam mo, mayroong equity of the incumbent… So ‘yan ay mangyayari lamang kung papayag si Senador Gordon,” ayon kay Poe.

Gusto umano ni Poe sa nasabing kumite dahil sa kapangyarihan nitong mai-check ang lahat ng sangay ng gobyerno.

“Kasi blue ribbon ang mayroong oversight powers pagdating sa lahat ng mga nangyayari sa gobyerno, pagdating sa paggawa ng kanilang trabaho… kung may korupsiyon,” ani pa ni Poe.

Muling uupo sa Senado si Poe, ikalawa sa final tally ng Comelec sa nakuhang 22,029,788 boto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?