195

Feb 26, 2020 @ 13:18
By

Grabe gumiling! Cebuano dancer napansin ni Jennifer Lopez

Isang Pinoy ang nakakuha ng atensyon ng sikat na singer na si Jennifer Lopez sa dance cover nito ng Super Bowl performance ng diva.

Sa Instagram story ni J.Lo ay makikitang napasama ang performance ni Daryl Alindao sa mga napansin sa #JLoTikTokChallenge.

“We are really happy with the outcome, and we are now planning to do more dance covers,” sey ni Alindao.

Naka-post na sa Instagram ng Cebuano ang sayaw na napansin ni JLo, at sa ngayon ay mayroon na itong 4,700 views.

Sa ngayon ay balak pang gumawa ni Alindao ng mga bagong dance cover, target ngayong mapansin naman ng isa pang bigatin na diva na si Beyonce.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?