216

By

Grab pinapaboran kaya hinaharang ang motorcycle taxis – Marikina rep

Tila pinapaboran at inaalagaan umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Grab dahilan upang harangin umano nito na makapasok ang iba pang players na magsisilbing alternatibong transportasyon ng riding public.

Ito ang nakitang dahilan ni Marikina City District Rep. Stella Luz Quimbo sa naunang desisyon ng ahensiya na itigil ang pilot testing nito sa motorcycle taxis na agad ding binawi.

Giit ng kongresista, ang naturang hakbang ng LTFRB ay isang malinaw na pagharang sa pagpasok ng ibang potential competitor ng Grab.

“LTFRB’s move to withdraw the study is tantamount to putting up what competition authorities call a ‘barrier to entry’. Specifically, LTFRB would put up a barrier to entry in the market for on-demand and platform-based private transport, which includes Grab,” ayon kay Quimbo.

Naniniwala ang kongresista na Angkas at iba pang operators ay may potensiyal na makakasabay sa Grab at tiyak na malaki ang mawawala sa kanila.

“Because Angkas and other operators potentially compete against Grab, this barrier to entry would provide the latter an undue advantage. With this move by the LTFRB, commuters would once again be left with Grab as their only option in the market,” ayon kay Quimbo.

Ngunit ayon sa solon, hindi umano dapat na pigilan o hadlangan ng LTFRB ang alinmang uri ng transportasyon na makapagbibigay ng opsiyon at alternatibo para sa mga commuter.

“Kung ang tunay na kakampi ng LTFRB ay ang riding public, tatapusin nila ang pag-aaral na may layunin na maghanap ng agarang solusyon sa problema ng kakulangan at nagmamahal na public transportation,” dagdag ng lady solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?