72

By

Goyo pang-Hollywood ang dating

Ipalalabas na nga ang Goyo na pinagbibidahan ni Paulo Avelino.

Sa presscon ng pelikula, natanong na naman si Paulo tungkol sa anak na si Aki na palagi na lang iniintrigang mas close pa raw kay Paolo Contis na dyowa ng nanay na si LJ Reyes.

Pero in fairness to Paulo naman, kahit may mga nang-iintriga tungkol sa bagay na ‘yon, mukhang never naman siyang napikon.

Kahit ano pa nga naman ang palabasin ng ibang mga intrigera, ay hindi pa rin naman maiaalis ang katotohanang siya pa rin naman ang tatay Aki, ‘noh?

Siyanga pala, mukhang winner ang pelikulang Goyo dahil very impressive ang trailer nila na parang isang Hollywood period movie ang dating, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?