132
Bangko sa PBA, sumasahod ng...
Sep 11, 2019 @ 10:50
By

Govs Cup didribol sa Sept. 20

Kasado na ang schedule ng 44th PBA Governors Cup 2019, binago ulit dahil sa pagkaka-scratch ng Meralco Bolts sa partisipasyon sana sa 28th FIBA Asia Champions Cup 2019.

Sa Sept. 20 sisiklab ang season ending conference, unang ini-adjust ang schedule ng mga laro ng Bolts dahil ang Asia Cup sa Bangkok ay tatakbo ng Sept. 22-29.

Bigla, nagdesisyon ang FIBA na huwag nang pasalihin sa Thailand tournament ang Meralco.

“Nakalatag na, revise ulit kami,” pahayag ni Commissioner Willie Marcial nitong Martes.

Bilang kampeon ng nakaraang Commissioner’s Cup, San Miguel Beer ang unang inimbitahan sa Champions Cup.

Pero nakalinyang sumabak din ang Beermen, kasama ng tinalo nila sa midseason conference title na TNT KaTropa at Blackwater, sa East Asia League Terrific 12 sa Macau sa Sept. 17-22.

Binigay ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang slot ng SMB sa Bolts sa Champions Cup.

Para panatiliin ang billing ng torneo, minabuti ng FIBA na ibigay ang slot ng Meralco sa Lebanese champion team Al-Riyadi.

Puro champion squads na ang mga kasali ngayong taon na kinabibilangan ng Guangdong Southern Tigers ng Chinese Basketball Association, Alvar Tokyo (Japan), Ulsan Mobis Phoebus (Korea), Hitech (Thailand), Fubon Braves (Chinese Taipei), Palayesh Naft Abadan (Iran) at Al-Muharraq (Bahrain).

Noong isang taon ang team ni Norman Black ang pinadala sa Champions Cup, nakarating hanggang semis bago sinipa ng Seoul SK Knights sa bronze medal match.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?