41

By

Government shutdown sa US wawakasan na, Trump may kondisyon

Lumagda na si United States of America President Donald Trump sa panukalang batas na wakasan na ang government shutdown.

Ito ang pinakamatagal na government shutdown sa US history.

Saad ni Trump nitong Biyernes na pansamantala niyang wawakasan ang naturang shutdown ng gobyerno sa kabila ng nauna niyang pag giit ng agarang pondo para sa pagpapatayo ng mga pader sa Mexican border.

Ang naturang shutdown ay pumaralisa sa Washington dahil sa pagsuspinde sa political row at pag-iwan sa tinatayang 800,000 federal employees na walang sweldo sa loob ng limang linggo.

Parehong nag pasa ang Senado at House of Representatives ng deal via unanimous consent sa Pangulo ng Amerika at hiningi ang lagda nito.

Naapektuhan ng labis ang mga empleyado ng gobyerno maging ang pambansang ekonomiya sa naganap na shutdown na nagsimula nang hindi pumayag ang mga democrat sa wall funding demand ni Trump sa Mexican border.

Ang paglagda ni Trump ay kapalit ng pakikiisa aniya ng Democrats at Republicans sa kaniyang pet project.

Giit ni Trump, hindi niya muling bubuksan ang gobyerno hangga’t hindi siya nakakakuha ng $5.7 billion sa border wall funds, at nagbanta pa ito na maaaring muling magkaroon ng panibagong shutdown kapag walang nangyari sa kaniyang pet project sa susunod na tatlong linggo.

“In a short while, I will sign a bill to open our government,” he said. “Over the next 21 days, I expect that both Democrats and Republicans will operate in good faith,” saad ni Trump.

“If we don’t get a fair deal from Congress, the government either shuts down on February 15th again, or I will use the powers afforded to me under the laws and Constitution of the United States to address this emergency,” dagdag pa nito.

“We really have no choice but to build a powerful wall or steel barrier.” giit ni Trump.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?