382

By

Gordon sinabon si Albayalde: Dapat sabihin mo, kahit tao ko, ipapakulong ko

Nagkamali diumano si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa pagtrato sa 13 dati niyang mga tauhan na sangkot sa pag-recycle umano ng mga kinumpiskang iligal na droga noong panahon na siya ay chief of police ng Pampanga.

Ito ang sinabi ni Senador Richard Gordon kay Albayalde sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes matapos igiit muli ng PNP chief na wala siyang alam sa ginawang anti-drug operation ng kanyang mga tauhan sa pamumuno ni Lt. Col Rodney Baloyo sa Mexico, Pampanga noong 2013.

“And yet, do you realize, that in your report, ikaw lang at si Baloyo ang nagsasabi na hapon ang raid? Ikaw lang. And yet nakikita natin lahat na umaga ‘yung raid,” sabi ni Gordon, chair ng Senate blue ribbon committee.

“I can accept mistakes, pero sunod-sunod. To me, when you lie to the Senate, I take it seriously, especially with the Blue Ribbon, because investigation ito eh,” saad nito.

“I would just like to say na… you cannot trifle with us by coming out with sloppy work. For God’s sake, you are the Chief PNP. Huwag niyong payagan na gaganyanin tayo ng mga tao natin,” ayon pa kay Gordon.

Idineklara ng raiding team na nakakumpiska sila ng 36 kilo ng shabu subalit ang katotohanan ay 200 ang nakuhang iligal na droga sa bahay ng Chinese drug lord na si Johnson Lee sa Pampanga.

Nauna rito, kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency Chief Aaron Aquino na tumawag si Albayade sa kanya noong 2016 (noong panahon na siya ay PNP Region 3 Regional Director) para hilingin na huwag ipatupad ang dismissal order laban sa 13 tinaguriang “ninja cops”.

“I will call a spade a spade. You dropped the ball, big time. You dropped the ball from the very beginning. You were relieved [over the 2013 incident] and you just accepted it,” ani Gordon.

“My point here, it is about time we take our duties seriously… Dapat sabihin mo, kahit tao ko ang mga ‘yan, ipapakulong ko ang mga iyan. ‘Yan ang hinihintay ng tao,” ayon pa dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?