93
Gordon pumalag sa bansag na ‘Doble Plaka’
By

Gordon pumalag sa bansag na ‘Doble Plaka’

Ginagamit lang umano ng mga ayaw sa bagong motorcycle plate law ang bansag na “Doble Plaka” para hikayatin ang mga rider na huwag itong ayunan.

Ito ang reaksiyon ni Senador Richard Gordon matapos ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin muna ang implementasyon ng Motorcycle Crime Prevention Act of 2019 dahil delikado umano na maglagay ng anumang bagay sa harapan ng motorsiklo dahil maaari itong tumama sa mukha ng rider.

Paliwanag ni Gordon, hindi naman metal o plaka ang ilalagay sa harapan ng motorsiklo kundi sticker na may registration number.

Dagdag pa niya, ang titulo umano ng batas ay Motorcycle Crime Prevention Act of 2019 at hindi “Doble Plaka”.

Mali aniya ang mga salitang “Doble Plaka” dahil hindi naman lalagyan ng plaka ang harapan ng motorsiklo kundi sticker o decal na hindi makakadisgrasya sa mga rider.

Malamang aniya ay ganoon ang nakarating na impormasyon sa Pangulo kaya sinuspinde ang batas.

“Isa lang yan sa mga propagandang pinapakalat nung mga ayaw sa batas na ito. Pero sa palagay ko mistake lang ‘yung naibigay sa kanya (Pangulong Duterte), as usual, like ‘yung dobleng plaka, hindi doble plaka ‘yan. Katulad nung sinasabing lata, lilipad sa mukha. Pwede ba naman ‘yun? Syempre Red Cross ako, safe driving tayo,” saad ni Gordon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?