2,283
Gordon: Mga motorista, exaggerated sa isyu ng mas malaking plaka
By

Gordon: Mga motorista, exaggerated sa isyu ng mas malaking plaka

Hindi dapat umano magreklamo ang mga motorcycle riders sa newly required na mas malaking license plates para sa mga motorsiklo dahil ang naturang batas ay para din naman sa ikabubuti ng mga ito.

Ito ang mensahe ni Senador Richard Gordon ngayong Linggo, March 17 matapos na magreklamo ang mga grupo ng morotista sa laki ng mga newly required na plaka.

Ayon kay Gordon, concern lang umano ang mga motorcycle driver sa itsura ng kanilang mga sasakyan at ineexagerate lamang ang isyu.

“’Yung sa harap, hindi naman tatakpan yung mukha nila eh, yung mga ilaw. Pwedeng sticker, eh pinipilit nila na ayaw nila kasi gusto nila pogi ‘yung motorcycle,” saad ni Gordon sa isang interview sa DZBB.

“Paanong magiging delikado yan? Magiging delikado yan kung kasing laki ng telebisyon yung plaka. Ine-exaggerate nila eh,” dagdag pa nito.

Noong March 8 ay pormal na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11235, o ang Motorcycle Crime Prevention Act, na nag-uutos sa Land Transportation Office (LTO) na mag isyu ng mas malaki at color-coded number plates upang maiwasan ang paglipana ng mga riding-in-tandem sa mga lansangan.

Ayon sa batas, ang font style ay dapat na mas malaki at nababasa mula sa harap, gilid, at likod ng motorsiklo sa layong 15 metro mula sa sasakyan.

Ang naturang batas ay nagrerequire din sa mga driver na magkaroon ng dalawang plaka sa kanilang mga sasakyan – ang isa ay ilalagay sa likuran ng sasakyan habang ang isa pa ay sa harapan naman.

Ayon kay Gordon, ang naturang batas ay makatutulong sa mga driver na maireport at mahanap agad ang mga motor nila sakaling nakawin ang mga ito.

Makatutulong umano ito sa mga awtoridad na mahanap agad ang mga sasakyan.

“Anong cino-complain nila? Eh para sa kabutihan nila ‘yan, para sa pag aari ng motorcycle,” saad ni Gordon.

“Okay lang sakin na magpapogi sila ng motorsiklo pero proteksyunan niyo na muna yung sarili niyo,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?