14

By

Gopico babangon mula sa mga injury

Sa pagbabalik ni former Ateneo Lady Eagle Ana Gopico sa volleyball, asahan na malaking tulong ang maibibigay nito para sa kanyang koponan na BanKo Perlas Spikers.

Wagi nitong Linggo ang Perlas kontra PetroGazz Angels 25-20, 11-25, 25-21, 25-18, sa opening day ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagtamo si Gopico ng tatlong ACL injuries noong kanyang collegiate days kaya nalimitahan ang kanyang paglalaro.

“Pinasok ako nung second set. Kabado pa ako kasi one year din akong ‘di nakatapak ng arena eh,” pahayag ni Gopico na mula sa bench ng Perlas Spikers.

“Kahit ‘di ako naka-score, as much as possible, I tried to uplift my teammates na makakabawi tayo agad,” saad pa nito.

Batid rin ni Gopico na marami pa itong tatrabahuin para ibalik ang kanyang dating porma sa paglalaro.

Susunod na makakaharap ng BanKo Perlas ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers sa darating na Miyerkoles, Agosto 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?