82

Mar 22, 2020 @ 12:01
By

Good Samaritan nagbigay ng 100K face mask sa DOTr

Isang hindi nagpatukoy na indibidwal ang nag-donate nitong Biyernes ng 100,000 face mask sa Department of Transportation (DOTr), sa kasagsagan ng krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa ahensiya sa kanilang press release, Marso 21, 2020, ibibigay nila ang bulto ng mga face mask sa mga COVID-19 frontline worker.

Makatatanggap ang mga tauhan sa port and airport operations, enforcers, drivers, at ang mga parte ng Free Ride nilang programa.

Binubuo itong libreng sakay ng pagpapadala ng 72 bus at dalawang modern Public Utility Vehicles,

Tatanggap din ang skeletal workforce ng DOTr Central Office at mga sangay nitong ahensiya sa Lunes, Marso 23.

Sa Lunes din ibibigay ang mga face mask sa health worker sa mga pampublikong ospital, kabilang ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa, San Lazaro Hospital, Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila, at Lung Center of the Philippines sa Quezon City.

“To the one who donated these hundred thousand face masks, I, on behalf of the DOTr and the entire country, express our sincerest gratitude. This will greatly help our frontline employees, and of course, our health workers. These people are leaving their homes to fulfill their sworn duty — to serve the country, and to save lives. Thank you for your utmost concern and compassion to our countrymen,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?